Reblogged from paupanganiban, 8,972 notes, May 15, 2012
Reblogged from paupanganiban, 8,972 notes, May 15, 2012
REAL FRIENDS
LMFAOLFMAO! AWWHH!!! (‘:
Too cute lol, reblog again<3.
(Source: theamericankid)
Reblogged from nigriceebby, 25,618 notes, January 6, 2012
(Source: theannoyingskwid)
Reblogged from thatfunnyblog, 17,963 notes, December 12, 2011
Bakit ka pa mag pipilit sa bagay na di na pwede?
Bakit ka pa aasa kung wala naman na talaga?
at Bakit ka pa mag iisip na mahal ka niya? Kung ramdam mo naman na binabaliwala ka niya at wala ka ng halaga sa buhay niya. *TSK </3
1 note, November 15, 2011
Paano Pumitik ng Kulangot (The Art of Letting Go)
Madalas may mga bagay tayong hindi na ma-take na magtagal pa sa buhay natin. Hindi na natin gustong nakabitin dahil alam natin sa sarili nating wala ito sa lugar, alam nating hindi talaga ito para satin kaya tinatapos na natin ang lahat, tinatapon na natin at kinakalimutan na para bang wala itong magandang naidulot sa atin noon. Isa na dito ang mga kulangot.
May art daw sa pagpitik ng kulangot sabi ng mga imaginary ghost friends ko ngayong undas:
1. SIGN - Ito ang step number one natin. Kapag daw na-feel mo na ang kakaibang stickyness at hardness sa loob ng ilong mo, ‘yung feeling na nahihirapan ka nang huminga dahil may nakabara, sign ito na kailangan mo nang magpaalam sa mga bagay na nagpapahirap sayo. Wala na ngang naidudulot na maganda, pagtatagalin mo pa ba? Kumbaga sa Tumblr, unfollow kagad. Nga lang, sa step na ito madalas tayo nahihirapan.
2. TIMING - Yan ang step number 2 natin. Hindi tayo pwedeng magtreasure hunting sa kailungan natin kung nasa stage tayo halimbawa, sa mall, o sa harap ng maraming tao. Although may mga mangilan-ngilang gumagawa no’n, pero mali. Masagwa lang siguro talaga ang registration natin sa CCTV camera kung makuhanan tayong nakapasok ang finger natin sa ilong. Ika nga nila, sa lahat ng bagay na gagawin natin, timing is everything. Kung gagawa ng move, siguraduhing personal. Siguraduhing private. Yung pwede kayong makapagheart-to-heart ng kulangot mo. Para malinaw ang lahat, para maayos ang closure. Para siguradong wala na talagang matitira. Para kung makasakit ka man, pwede siyang umiyak nang walang nakakakita sa kanya. Timing.
3. THE MOVES - Step number 3, execution. Sa step na ‘to kailangan lahat ng move pinag-isipan. Dito kasi nakasalalay ang mga sumunod pang steps. Dahan-dahan mong kapain kung nasaang parte ng ilong mo ang problema, nasaan ba talaga? Saan nagsimula? Ano-ano ang mga dapat ipaliwanag? Gaano na ba katagal siyang nanjan? Gaano katagal mo na ba itinatago? Unfair ka kung hindi mo sasabihin ang lahat. Unfair ka kung walang paliwanag. Unfair ka, kung iiwan mo ang lahat na nakabitin. Unfair ka kung tatapusin mo ang lahat nang ganun ganun na lang. Siguraduhing malalim at siguraduhing simot. Siguraduhin mong sa ending, wala nang maiiwang tanong.
4. LET GO - Step number 4, bumitaw ka na. Bilugin ang nakuhang kulangot sa mga daliri at ipitik ito sa itaas. Yung malayong malayong pagpitik na para bang hindi na natin ito muling matatagpuan. Kapag bumitaw ka, siguraduhin mong nakabitaw ka na talaga. Wala dapat regrets. Nangyari na ang lahat, tsaka ka manghihinayang? Mali ‘yon. Hirap din tayo sa step na ‘to. Dahil hindi rin natin maiaalis sa sarili natin na minsan ding naging parte ng buhay natin ang bagay na pinitik natin palayo. Minsan din itong kumumpleto sa pagkatao natin at nagbigay sa atin ng memories na hindi maibibigay ng iba. Minsan ding nagpasaya satin, ‘yung masayang masaya na hindi na natin maisip na darating pala ang araw na bibitawan natin ito. Na tatapusin din pala natin ang lahat.
5. BREATHE - Final step, huminga ka. Tapos na ang lahat. Wala na ang bigat, wala na ang sakit, wala na ang bara. Huminga ka. Magpatuloy ka sa buhay, magpakasaya. Yun naman talaga ang dapat e, dapat lagi tayong masaya. Ienjoy natin ang buhay at tanggapin na ang lahat ng bagay na nangyayari, masama man o mabuti, ay may dahilan. Ang mahalaga lang ay hindi tayo huminto, at sa bawat pagpapatuloy natin ay may natututunan tayong bago. Breathe. Take care, Godbless. :)
Reblogged from ivanarevalo, 9 notes, November 11, 2011
wanderlust (n.)
a strong, irresistible desire or impulse to travel and explore the world
Reblogged from yeah-yougotme, 19,712 notes, October 26, 2011
Reblogged from makemestfu, 7,134 notes, October 26, 2011
Matuto kang TUMIGIL kung NASASAKTAN ka na. :)
Reblogged from kimpoyfeliciano, 3,523 notes, October 26, 2011